dzme1530.ph

‘Angels of Death’ investigation, umarangkada na —PNP-CSG

Kinumpirma ng Philippine National Police-Civil Security Group na umarangkada na ang kanilang imbestigasyon sa ilang indibidwal na umano’y kasapi ng grupong “Angels of Death”.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP Civil Security Group Spokesperson Lt. Col. Eudisan Gultiano, na natanggap nila ang request mula sa Davao City Police Office hinggil sa listahan ng ilang personalidad na umano’y kabilang sa naturang grupo.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ilan sa mga ito ay lisensyadong humawak ng baril, habang ang iba naman ay walang record sa PNP-FEO.

Hindi rin kinumpirma ng opisyal kung pulis o retiradong pulis ang ilan sa kanilang mga iniimbestigahan.

Habang nagbabala naman si Gultiano na posibleng maharap sa kaso ang mga indibidwal na nagmamay-ari ng armas ng walang lisensya. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author