dzme1530.ph

Alex Eala, kinapos kay world no. 4 Jessica Pegula sa semis ng Miami Open

Loading

Bigo ang Filipina tennis superstar na si Alex Eala na makausad pa sa finals ng Miami Open.

Ito’y makaraang kapusin ang 19-anyos na wildcard laban sa world no. 4 na si Jessica Pegula ng US, sa score na 7-6(3), 5-7, 6-3, sa kanilang semifinals match, sa Hard Rock Stadium.

Sa kabila naman nito, ayon sa Women’s Tennis Association (WTA), sigurado nang makapag-uuwi si Eala ng 332,160 dollars o tinatayang P19 million sa pagpasok nito sa semis.

Mayroon din siyang guaranteed na 390 points para sa kanyang ranking.

Sa kasalukuyan ay nasa 75th live rankings ng WTA ang Pinay tennis ace na pang-140 sa official rankings.

Inaasahang makapapasok si Eala sa Top 100 ng WTA ranking kasunod ng kanyang sensational quarterfinal victory laban kay world no. 2 Iga Swiatek.

About The Author