dzme1530.ph

Aiko Melendez, pumirma ng kontrata kay Ogie Diaz

Sa kabila ng kanyang busy schedule bilang politician, gumawa pa rin ng paraan si Aiko Melendez para maisingit ang kanyang showbiz career sa pamamagitan ng pagpirma ng kontrata sa talent manager na si Ogie Diaz.

Sa personal Instagram page ni Aiko, sinabi nito na sealed with love and formality ang kanilang kontrata kaya sigurado siyang marami silang magagandang bagay na i-e-explore na magkasama.

Ibinahagi rin ng actress-politician ang bahagi ng contract signing nila ni Ogie sa kanyang Youtube channel kung saan binanggit niya ang mga dating niyang talent managers.

Kabilang sa mga humawak sa karera ni Aiko sa showbiz ay sina Douglas Quijano at Wyngard Tracy na kapwa pumanaw na, gayundin sina Boy Abunda at Arnold Vegafria.

About The Author