Tinitingnan ng Armed Forces of the Philippines ang implikasyon sa national security ng napaulat na pagdami ng Chinese students sa Cagayan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni AFP Spokesman Col. Francel Padilla na sineseryoso nila ang lahat ng report na nakakarating sa kanila.
Kaugnay dito, isinasagawa na ang internal investigation upang matukoy ang pakay ng Chinese students, kung ligal ba ang pagpasok nila sa bansa, at kung mayroon silang mga kaukulang papeles.
Nakikipag-ugnayan na rin ang AFP sa Department of Foreign Affairs, Bureau of Immigration, at sa Commission on Higher Education.
Sinabi naman ni Padilla na maaaring ito ay para lamang sa local o educational tourism, at bagamat ang tuon nila ay ang panig ng seguridad ay maaaring may naitutulong pa rin ito sa ekonomiya.