dzme1530.ph

7 opisyal ng PCGA, ginawaran ng Dolphin Service Plaque Recognition Award

Tumanggap ng Dolphin Service Plaque Recognition Award at Badge ang pitong PCG Auxiliary (PCGA) officers para sa kanilang ika-20 taong patuloy na aktibong serbisyo bilang suporta sa mandato ng Philippine Coast Guard (PCG).

Idinaos ang 38th PCGA National Convention sa Nasugbu, Batangas na binigyang suporta ng Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno Secretary Jaime Bautista.

Kabahagi rin sa nasabing aktibidad sina PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu, at PCGA National Director, Auxiliary Vice Admiral Manuel Luis Idquival.

Pinasalamatan ni Auxiliary Vice Admiral Idquival, ang mga awardees dahil sa ibinigay na sa ahensya nang walang pag-iimbot.

Hinimok rin nito ang awardees na isaalang-alang ang kanilang pinakabagong badge bilang isang “Marka ng Karangalan,” na nagbibigay inspirasyon sa kanila na maging role model sa kapwa volunteers upang patuloy na mag-alok ng kanilang oras, expertise, at resources para sa bansa.

Ilan sa mga tumanggap ay sina: Auxiliary Commodore Alexander Abilo; Auxiliary Commodore Mylene Co; Auxiliary Captain Rassel Faustino; Auxiliary Captain Martin Mariñas; Auxiliary Captain Franklin Joseph Solita; Auxiliary Captain Venerando Adran; at Auxiliary Captain Samson Lim. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author