dzme1530.ph

Naval training ship ng China, nasa Maynila para sa Goodwill Visit

Dumating sa Maynila ang Chinese naval training ship na “Qi Jiguang,” na may lulang mahigit 400 katao, para sa isang Goodwill Visit.

Sa ngayon ay nakadaong ang naturang barko, sa Pier 15, sa Manila South Harbor.

Ayon sa Chinese embassy, bukod sa Pilipinas ay bumisita na rin ang naval training ship ng Chinese People’s Liberation Army sa Vietnam, Thailand at Brunei.

Inihayag din ng embahada na magkakaroon ng “friendly games” ang mga tripulanteng Tsino, kasama ang mga sundalong Pilipino.

Bukas ang barko sa publiko at aalis ito sa bansa sa Sabado. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author