dzme1530.ph

Lider ng Daulah Islamiyah-Maute group, patay sa engkwentro sa Marawi

Patay ang leader ng Daulah Islamiyah-Maute Group na si Abu Zacharia matapos makasagupa ang  Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP Public Affairs Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto, nangyari ang engkwentro kanina ala-1:00 ng madaling araw sa Bangon, Marawi City.

Isa naman ang sugatan sa hanay ng mga sundalo sa nangyaring engkwentro.

Matatandaang, pinalitan ni Zacharia ang dating leader nasi Abu Dar Daulah Islamiyah-Maute Group. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author