dzme1530.ph

Bilang ng registered sim cards sa bansa, pumalo na sa higit 95-M

Pumalo na sa mahigit 95-M ang bilang ng mga sim card na nakarehistro sa bansa.

Sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC) as of May 8, nakapagtala ang Smart Communications Inc. ng 44,982,292 registered sims o katumbas ng 67.84% ng kanilang subscribers.

Sinundan ito ng Globe Telecom Inc. na may 43,709,775 registered sims at DITO Telecommunity na may 6,337,347.

Patuloy naman na hinihikayat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko na samantalahin ang extension ng sim registration na nakatakdang matapos sa July 25. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author