dzme1530.ph

Mahigit 100 Chinese militia ships, tambay sa Julian Felipe Reef

Mahigit 100 Chinese maritime militia vessels ang nagtagal sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea nang mahigit isang linggo mula nang unang maispatan ang mga ito sa lugar, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG Spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, nai-dokumento nila ang Chinese maritime militia vessels noon pang April 22 at nananatili pa rin sa mahigit 100 ang bilang ng mga ito sa Julian Felipe.

Inihayag din ni Tarriela na batay sa latest monitoring ng PCG ay mayroon ding naispatan na dalawang Chinese coast guard vessels sa Ayungin Shoal.

Matatandaang nito lamang April 23 ay hinarang umano ng isang Chinese ship ang isang PCG patrol vessel na may mga sakay na mamamahayag malapit sa Ayungin Shoal na nagresulta sa kamuntik nang pagsasalpukan ng dalawang barko. —-sa panulat ni Lea Soriano

About The Author