dzme1530.ph

Joel Embiid, itinanghal bilang NBA MVP

Itinanghal si Philadephia 76ers star Joel Embiid bilang NBA most valuable player matapos maungusan ang two-time award winner na si Nikola Jokic ng Denver Nuggets.

Si Embiid na runner-up kay Jokic sa nakalipas na dalawang season ay nakabawi at nag-average ngayong season ng 33.1 points, 10.2 rebounds at 4.2 assists sa 66 games.

Tinalo ng 29-year old Cameroonian Power Forward ang kapwa MVP finalists na sina Jokic at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks sa preferential ballot.

Sa resulta na inilabas ngayong Miyerkules, nakakuha si Embiid ng 73 first place votes habang si Jokic ay mayroong 15 at si Antetokounmpo ay mayroong 12. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author