dzme1530.ph

Bureau of Customs, nalagpasan ang kanilang April collection target

Nalagpasan ng Bureau of Customs ang kanilang revenue collection target para sa buwan ng Abril.

Sa statement, sinabi ng BOC na naka-kolekta sila ng P68.274-B noong nakaraang buwan, lagpas ng 0.11% sa kanilang target na P68.199-B.

Kumpara noong April 2022, mas mataas 3.97% ang revenue performance ng Customs noong nakaraang buwan mula sa P65.669-B.

Para naman sa unang apat na buwan ng 2023, naka-kolekta ang ahensya ng P281.902-B, lagpas ng 6.29% o sobra ng P16.682-B sa kanilang target na P265.220-B para sa naturang panahon.

Mas mataas din ito ng 10.89% kumpara sa P254.226-B na nakolekta ng BOC noong Enero hanggang Abril ng 2022. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author