![]()
Pinag-iingat ng PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang publiko sa pagbili ng items mula sa online sellers ngayong papalapit ang holiday season.
Ayon sa PNP-ACG, mayroong online sellers na umano’y bumibili ng online followers at reviews.
Sinabi ni PNP-ACG Spokesperson Police Lt. Col. Zyrah Joy Cabal na hindi na garantiya ngayon ang maraming followers para masabing legit ang account.
Aniya, maging ang mga review ay gawa-gawa lang din para makapanloko.
Simula 2021, nanguna ang online selling scams sa listahan ng ACG ng cybercrime modus operandi.
Simula January hanggang October ngayong taon, umabot na sa 743 incidents ng online selling scams ang naitala ng ACG.
Pinayuhan ni Cabal ang mga buyers na suriing mabuti ang mga testimonials, pati na ang profile ng nagre-review upang malaman kung legit talaga ang kanilang nire-review.
