![]()
Plano ng National Food Authority (NFA) na i-auction ang kanilang stocks ng aging rice sa unang quarter ng 2027.
Sinabi ng NFA Administrator Larry Lacson na sa ngayon ay nais nilang i-hold muna ang kanilang aging stocks para ma-sustain ang kanilang inventory.
Aniya, uumpisahan nila ang auction pagsapit ng January at titingnan muna nila ang sitwasyon sa susunod na taon dahil sa banta ng El Niño.
Una nang itinaas ng NFA ang buying price ng palay sa ₱30 per kilo.
Dahil dito, inihayag ng ahensya na maaaring kumita ang mga magsasaka ng hanggang walong piso kada kilo.
