dzme1530.ph

MGA BAGONG PINUNO NG LTO, MARINA AT PNR, NANUMPA NA SA KANI-KANILANG MGA TUNGKULIN

Loading

Nanumpa na sa kani-kanilang bagong tungkulin sina Land Transportation Office (LTO) Chief Noreen San Luis, Maritime Industry Authority (MARINA) Officer-in-Charge Markus Lacanilao, at Philippine National Railways (PNR) General Manager Jorjette Aquino.
 
Nagpahayag ng kumpiyansa si Lacanilao sa kanyang kakayahan na pamunuan ang MARINA, dahil engineer siya by profession at hindi bago sa kanya ang maritime.
 
Nangako naman si San Luis na hindi lamang niya ipagpapatuloy ang mga ipinatupad na reporma sa LTO kundi kanya rin itong paiigtingin.
 
Binigyang-diin ni Transportation Secretary Vince Dizon na ang mga bagong talagang opisyal ay pinili dahil sa kanilang kapasidad na magpatupad ng mga pagbabago sa kani-kanilang pinamumunuang ahensya.

About The Author