![]()
Maghahain ng motion for reconsideration ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagbasura sa habeas corpus petitions laban sa pag-aresto sa kanya.
Ayon kay Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., legal counsel ng anak ng dating Pangulo na si Veronica, iaapela nila ang desisyon ng Korte Suprema.
Aminado si Panelo na dismayado sila sa desisyon ng Korte na ibinatay sa mootness ng isyu.
Sa desisyon ng Korte Suprema, binigyang-diin na nasa kustodiya na ng International Criminal Court sa The Netherlands ang dating Pangulo kaya’t hindi na applicable ang petisyon.
