dzme1530.ph

REKOMENDASYONG ALISIN NA ANG AYUDA PROGRAMS SA BUDGET, PAG-AARALAN NG SENADO

Loading

TINIYAK ni Senate President Sherwin Gatchalian na pag-aaralan nila kung kakayaning alisin sa national budget ang mga ayuda programs ng gobyerno.
 
Kabilang dito ang Medical Assistance to Financially Incapacitated Patients o MAIFIP, gayundin ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS at TUPAD.
 
Gayunman, aminado si Gatchalian na mahalaga ang tulong sa mga maaapektuhan ng Super El Niño, lalo na ang mga magsasaka at mangingisda.
Samantala, sinabi ni Gatchalian na pipilitin nilang kayaning tapusin sa loob ng limang araw ang plenary debates sa panukalang 2027 national budget.
 
Kung hindi aniya matapos hanggang Biyernes ay maaari silang mag-extend hanggang December 1.

About The Author