![]()
UMARANGKADA na ang plenary deliberations ng Senado kaugnay sa proposed ₱7.2-trillion national budget.
Sa sponsorship speech ni Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito, sinabi niyang sa panukalang budget, ang ₱4.49 trillion ay programmed appropriations na nangangahulugang garantisado na ang pondo.
Aabot naman sa ₱111 billion ang unprogrammed appropriations na inilaan para sa mga foreign-assisted projects o counterpart fund para sa mga proyektong may pautang o tulong mula sa dayuhang gobyerno o financial institutions.
Tiniyak ni Ejercito na hindi na mababago ang Supreme Court ruling ukol sa unprogrammed appropriations bagaman hindi pa ito pinal at meron pang motion for reconsideration.
Binigyang-diin ni Ejercito na pangunahing nilalaman ng panukalang budget patungo sa economic recovery at nation building ay ang paglalaan ng ₱378.6 billion sa Department of Health at attached agencies, kasama ang para sa immunization, Health Facilities Enhancement Program na ukol sa construction at improvement ng public hospitals.
Itinaas naman sa ₱94.2 billion ang subsidiya sa PhilHealth habang
₱251 billion ang alokasyon sa Department of Agriculture; at
₱587 billion ang nakaendorso para sa DPWH.
May ₱253.3 billion ding nakalaan sa mga ayuda programs ng Department of Social Welfare and Development habang dinadagdagan pa ang pondo para sa edukasyon.
