![]()
Karagdagang 4 million registered voters ang inaasahan ng COMELEC para sa 2028 national and local elections habang itinakda ang filing ng certificates of candidacy sa Sept. 20 hanggang 26, 2027.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na 3 million ang kanilang target subalit dahil sa sobrang laki ng bilang ng mga nagpaparehistro kada araw ay baka abutin pa sila ng 4 million.
Idinagdag ni Garcia na sa kasalukuyan, 140,000 to 150,000 na ang mga nagparehistro simula noong Nov. 10.
Itinakda ng poll body ang voter registration simula Nov. 10, 2026 hanggang July 30, 2027.
