![]()
Tiniyak ng Philippine National Police na pananatilihin nila ang pagiging impartial sa gitna ng alegasyon ni Vice President Sara Duterte na nagagamit sila bilang enforcement arm ng mga politiko.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na bilang institusyon, mananatiling nakabatay sa Konstitusyon, rule of law at kanilang commitment na magserbisyo sa taumbayan ang kanilang mga aksyon.
Binigyang-diin ni Nartatez na bahagi ng prinsipyo ng PNP ang pagtiyak na magiging patas sa bawat police operation at public service.
Kasama, aniya, sa kanilang commitment na itrato ang bawat isa nang pantay-pantay, may respeto at malasakit kasabay ng pagbibigay ng equal protection sa ilalim ng batas kahit ano pa man ang posisyon o political affiliation.
