![]()
Nabawasan ang kapit sa kapangyarihan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu matapos bumoto ang Parlamento ng bagong speaker, na nagbigay sa oposisyon ng higit na kontrol sa legislative agenda.
Ibinoto ng Knesset si Matan Kahana ng Yashar Party ni Gadi Eisenkot bilang kanilang 26th speaker, kapalit ni Amir Ohana mula sa Likud Party ni Netanyahu.
Ayon sa Knesset spokesperson, tumanggap si Kahana ng suporta mula sa 66 lawmakers.
Ang naturang botohan ang unang malaking hakbang ng Eisenkot-led bloc para magtakda ng bagong direksyon para sa lehislatura, simula nang matalo si Netanyahu sa Knesset majority noong Oct. 27 elections.
