![]()
Nabawasan ng 1.13% ang air passenger volume sa unang siyam na buwan ng taon bunsod ng tumaas na pasahe sa eroplano.
Batay sa datos mula sa Civil Aeronautics Board (CAB), umabot lamang sa 46.31 million ang total air passenger traffic simula Enero hanggang Setyembre.
Mas mababa ito kumpara sa 46.84 million na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Bumagsak ang domestic passenger traffic ng 1.28% o sa 24.63 million hanggang noong katapusan ng Setyembre mula sa 24.95 million, habang bumaba ng 0.96% o sa 21.68 million ang international passenger traffic mula sa 21.89 million.
