dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, NANAWAGAN NG AKSYON LABAN SA ILIGAL AT HINDI KONTROLADONG PANGINGISDA SA APEC

Loading

INILAHAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang usapin ng illegal, unreported, at unregulated fishing sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meetings.
 
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nanawagan ang Pangulo ng sama-samang aksyon laban sa kwestiyunableng fishing practices.
 
Isinulong din ni Marcos ang digital transformation ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng artificial intelligence at isang charter para sa sustainable blue economy.
 
Pinagtibay din ni Pangulong Marcos ang suporta ng Pilipinas para sa rules-based multilateral trading system at binigyang-diin ang conclusion ng ASEAN Digital Economy Framework Agreement sa ilalim ng chairship ng bansa sa ASEAN 2026.
 
Sinabi ni Marcos na dapat magbunga ang APEC discussions ng totoong benepisyo para sa tao, sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho, mas epektibong access sa healthcare, at paghahanda para sa demographic change at isang lumalagong silver economy.

About The Author