![]()
Mas maraming short-term foreign investments ang lumabas ng bansa noong Setyembre kaysa sa pumasok, batay sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Naitala ang net outflow ng foreign investment transactions sa 488.53 million dollars noong September, na mas mataas ng 54.89% kumpara sa 315.41-million-dollar net outflow noong August.
Gayunman, mas mababa ito ng 52.93% kung ikukumpara sa 1.038 billion dollars na net outflow na naitala noong Setyembre ng nakaraang taon.
Ang Setyembre ang ikalawang sunod na buwan na nagkaroon ng net outflow sa Foreign Portfolio Investments (FPIs), na tinatawag ding “hot money” dahil sa mabilis na pagpasok at paglabas nito sa bansa.
