dzme1530.ph

OPERASYON NG PITONG ISTASYON NG NSCR, TARGET SIMULAN SA FIRST QUARTER NG 2028

Loading

Pitong istasyon ng North-South Commuter Railway o NSCR Project ang inaasahang magsisimula ang operasyon sa unang quarter ng 2028.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, tatahak ito mula Valenzuela City hanggang Malolos City sa Bulacan.

Ginawa ni Dizon ang anunsyo sa gitna ng inspeksyon sa Malanday Valenzuela Depot.

Kabilang sa pitong istasyon na magiging bahagi ng initial operations ang West Valenzuela, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto at Malolos.

Sinabi ni Dizon na sa pamamagitan ng railway, bababa sa 25 minutes ang biyahe mula Valenzuela hanggang Malolos na ngayon ay inaabot ng dalawang oras.

Tiniyak din ng kalihim na magiging affordable ang pamasahe sa tren subalit world-class ang commuting experience.

Ang proyekto ay may kabuuang 147 kilometer na mag-uugnay sa Calamba, Laguna hanggang Clark International Airport sa Pampanga at mayroong 35 stations.

About The Author