dzme1530.ph

US PRESIDENT DONALD TRUMP, NAKIPAG-SHAKE HANDS KINA RUSSIAN PRESIDENT VLADIMIR PUTIN AT CHINESE PRESIDENT XI JINPING BAGO ANG LANDMARK TALKS SA CHINA

Loading

Nagkita sa unang pagkakataon makalipas ang mahigit isang taon sina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin, habang naghahanda para sa landmark talks sa China, kasama si President Xi Jinping.
 
Sinalubong ng Chinese leader ang US President pagbaba nito ng eroplano, nang dumating sa Shenzhen, para sa summit ng Asia-Pacific leaders.
 
Matapos ang carefully choreographed handshake and hug sa pagitan nina Trump at Xi sa tarmac, binati naman ang US leader ni Putin at bahagya silang nag-usap bago nagtungo sa reception.
 
Inaasahang magkakaroon sina Trump at Putin ng one-on-one talks sa sidelines ng summit, kung saan inaasahang tatalakayin nila ang giyera sa Ukraine.
 
Gayunman, ang main focus sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Forum ay ang US-China-Russia talks, kung saan sa unang pagkakataon personal na magpupulong ang tatlong leaders.

About The Author