![]()
Ang kabag o bloating ay isang karaniwang problema sa tiyan kung saan nakararamdam ang isang tao ng paninikip, pagk puno o paglaki ng tiyan dahil sa naipong gas sa digestive tract.
Kabilang sa mga karaniwang sanhi ng bloating ang pag-inom ng carbonated drinks o soft drinks, pagkain ng beans, repolyo at iba pang pagkaing nagdudulot ng gas.
Maaari ring makaugnay ito sa constipation, lactose intolerance, food intolerance at Irritable Bowel Syndrome o IBS.
Kabilang sa mga sintomas nito ang pakiramdam na puno o matigas ang tiyan, pananakit o hindi komportableng pakiramdam sa tiyan at madalas na pagdighay.
Upang maiwasan ang madalas na pagkabag, pinapayuhan ang publiko na kumain nang dahan-dahan, nguyaing mabuti ang pagkain at iwasan ang sobrang dami ng pagkain sa isang kainan.
Makabubuti rin ang pag-inom ng sapat na tubig, regular na pag-eehersisyo at paglalakad pagkatapos kumain upang matulungan ang digestive system.
Gayunman, babala ng mga health experts, hindi dapat balewalain ang madalas at matagal na pagkakaroon ng bloating.
Pinayuhang magpakonsulta sa doktor lalo na kung may kasamang paglaki ng tiyan at matinding constipation o hindi makapagpalabas ng hangin ng katawan. Kailangang magpatingin agad sa emergency room.
