![]()
Sasabak ang Philippine Women’s National Football Team sa dalawang friendly matches laban sa New Zealand.
Inilabas ng Filipinas ang kanilang squad list bago ang friendlies sa Nov. 29 at Dec. 4.
Kabilang sa 24-player squad sina Olivia McDaniel, Hali Long, Sara Eggesvik, Katrina Guillou, Carleigh Frilles, Jackie Sawicki, Jessika Cowart, Nina Meollo, Reina Bonta, at Dionesa Tolentin.
Gaganapin naman ang draw para sa FIFA Women’s World Cup sa Disyembre sa Rio de Janeiro, kung saan magsisilbing host ng tournament ang Brazil.
