![]()
Nasa China na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang partisipasyon sa 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting.
Dumating ang Pangulo at delegasyon nito lulan ng PR001 sa Shenzhen Bao’an International Airport, 5:30 p.m., kahapon.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, magsisilbing caretakers ng bansa sina Executive Secretary Ralph Recto, Cabinet Secretary Benhur Abalos, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, habang nasa China si Pangulong Marcos mula Nov. 18 hanggang 20.
Ang APEC ay isang regional forum ng 21 member economies sa Asia-Pacific.
Habang nasa Shenzhen, inaasahang sasabak si Marcos sa bilateral meetings sa iba’t ibang world leaders, kabilang si Chilean President Jose Antonio Kast.
Ang pagbisita ng Pangulo sa China ay kasunod ng pag-host ng Pilipinas sa 49th ASEAN Summit and Related Summits simula Nov. 15 hanggang 17.
