![]()
Patuloy ang pagsisikap ng mga kaalyado ni Jensen Huang para makabalik ito sa trabaho matapos mag-resign noong nakaraang linggo bunsod ng eskandalong kinasasangkutan ng extramarital affairs.
Kabilang sina SpaceX boss Elon Musk at Tim Sweeney, Chief Executive ng Fortnite-maker Epic Games, sa mga sumusuporta sa isang kampanya para hilingin sa board ng AI chip giant na “Bring Jensen Back.”
Nag-resign si Huang bilang Chief Executive ng NVIDIA matapos lumutang ang dalawang affairs nito, na ang isa ay sa hinihinalang spy ng China habang ang isa pa ay kanya umanong empleyado.
Lumikha ito ng krisis sa isa sa most valuable firms sa buong mundo na isang mahalagang bahagi ng AI industry at napakalawak nitong expansion.
