![]()
KINUMPIRMA ng legal counsel ng Gencorp Industries Incorporated na walang shares at hindi bahagi ng mga kumpanya si Vice President Sara Duterte.
Taliwas ito sa deklarasyon ni VP Sara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
Sa pagsalang ni Atty. Suzette Balucanag-Punay sa impeachment trial, sinabi nito na walang shareholdings o wala ring posisyon sa kumpanya si VP Sara mula 2022 hanggang 2025.
Sinabi rin ni Punay na wala siyang personal at professional relationship kay VP Sara.
Idinagdag pa nito na nabalitaan lamang niya ang impeachment trial sa Bise Presidente sa social media.
