dzme1530.ph

DEFENSE TEAM NI VP SARA DUTERTE, NAGULAT SA LINYA NG PAGTATANONG NG SENATOR JUDGES SA KANILANG UNANG TESTIGO

Loading

Hindi inasahan ng defense team ni Vice President Sara Duterte na tatanungin ng senator judges ang kanilang unang testigo hinggil sa biyahe nito sa China.
 
Inamin ni Defense Spokesperson Atty. Michael Poa na nagulat sila sa linya ng pagtatanong kay Davao City Assessor Jaime Adalin.
 
Sinabi ni Poa na hindi rin nila alam na may mga biyahe ang testigo, partikular sa China at Australia.
 
Hindi naman aniya nila mapipigilan ang senator judges na magtanong ng iba’t ibang isyu at bahagi ito ng assessment ng korte sa kredibilidad ng testigo.
 
Iginiit ni Poa na ang mga senator judges ang hahatol sa impeachment case kaya’t may awtoridad silang magtanong ng mga nais nilang itanong.

About The Author