dzme1530.ph

KIRAY CELIS, TINAPOS NA ANG PARTNERSHIP SA WELLNESS BUSINESS PARA MAKAPAG-FOCUS SA KANYANG PAGBUBUNTIS

Loading

Tinapos na ni Kiray Celis ang kanyang partnership sa isang beauty and wellness business bilang paghahanda sa kanyang pagiging ina, ayon sa may-ari ng kumpanya.
 
Kinumpirma ng entrepreneur na si Wiji Esguerra-Ragasa ang development, kasabay ng pagpapasalamat sa aktres na naging bahagi ng journey ng kanilang negosyo.
 
Sinabi ni Esguerra-Ragasa na nirerespeto niya nang buong-buo ang desisyon ni Kiray na huwag nang ipagpatuloy ang kanilang partnership, sa pagpasok nito sa importanteng kabanata ng kanyang buhay.
 
Si Kiray, na buntis ngayon sa kanilang panganay na anak ng mister na si Stephan Estopia, ay naging public face ng kumpanya noong January 2025, matapos siyang i-appoint bilang CEO at endorser.
 
Nilinaw ni Esguerra-Ragasa na sa kabila ng pagtatapos ng kanilang partnership ni Kiray ay nananatili silang in good terms.

About The Author