dzme1530.ph

FLU-LIKE CASES SA BANSA, BUMABA NG 35%, AYON SA DOH

Loading

Tumaas ng 35% ang kaso ng influenza-like illness (ILI) sa bansa, kasunod ng karaniwang seasonal pattern tuwing rainy months, ayon sa Department of Health (DOH).

Nakapagtala ang ahensya ng 13,321 cases simula Sept. 24 hanggang Oct. 7, mas mataas kumpara sa 9,896 cases na nai-record simula Sept. 10 hanggang Sept. 23.

Iniugnay ni Health Secretary Edwin Mercado ang pagtaas ng mga kaso sa mas malamig na panahon at social gatherings na maaaring magpalaganap ng respiratory infections.

Sa kabila naman ng tumaas na bilang, mas mababa pa rin ng 20% ang naitalang cumulative number ng ILI cases na 130,591 kumpara sa 163,304 na nai-record sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, nananatili ang case fatality rate sa below 1%.

About The Author