dzme1530.ph

MARINA, ININSPEKSYON ANG MGA BARKO SA PORT OF BATANGAS

Loading

Nagsagawa ng inspeksyon ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga barko sa Port of Batangas upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong dadagsa para sa paggunita ng Undas.

Sinuri ng mga opisyal at mga tauhan ng MARINA ang validity ng mga dokumento, electrical system at life-saving equipment ng mga barko, pati na ang bilang ng crewmembers at kanilang mga kwalipikasyon at kakayahan.

Pinangunahan nina MARINA Deputy Administrator for Operations Loumer Bernabe at Enforcement Service Director Luisito Delos Santos ang inspeksyon sa Port of Batangas, na isa sa mga pinakaabalang pantalan sa bansa.

Ang mga opisyal ay sinamahan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at nakipag-coordinate sa Philippine Ports Authority.

About The Author