dzme1530.ph

TRB, KASADO NA ANG MGA HAKBANG PARA ASISTEHAN ANG MGA MOTORISTA SA UNDAS

Loading

Kasado na ang mga hakbang ng Toll Regulatory Board (TRB) para asistehan ang mga motorista, para sa paggunita ng bansa sa All Saints’ Day sa Nov. 1 at All Souls’ Day sa Nov. 2.

Sinabi ni TRB spokesperson Julius Corpus na ipatutupad ang “Oplan Biyaheng Ayos” simula sa Oct. 29 para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa kahabaan ng expressways.

Aniya, lahat ng toll gates ay mananatiling bukas upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko, habang ide-deploy ang lane assistance personnel para tulungan ang mga motoristang makararanas ng problema sa kanilang radio frequency identification (RFID) tags.

Idinagdag ni Corpus na magde-deploy din sila ng karagdagang patrol vehicles, toll trucks, fire trucks, mga ambulansya, emergency medical service at incident teams para tulungan ang mga motorista.

Mayroon din aniyang dedicated personnel na ide-deploy para mag-mando ng trapiko sa loob ng service stations o stopovers at tiyaking malinis at sapat ang mga pasilidad.

Libre rin ang towing service, maliban sa pagkukumpuni ng sasakyan.

About The Author