dzme1530.ph

SENADO, HINDI PA IPINATUTUPAD ANG SUSPENSION ORDERS LABAN SINA SENS. ESTRADA AT MARCOLETA

Loading

Kinumpirma ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi muna nila ipinapatupad ang suspension orders laban kina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta.

Sinabi ni Gatchalian na natanggap na nila ang suspension orders mula sa Sandiganbayan subalit mayroon din silang nakuhang sulat mula sa kampo ng dalawang senador.

Hiniling anya ng dalawang senador na ipagpaliban ang implementasyon ng suspension orders habang hindi pa nagkakaroon ng pinal na desisyon sa ihahain nilang motion for reconsideration.

Nauna nang ipinag-utos ng Sandiganbayan Fifth Division ang 90-day preventive suspension kay Estrada kaugnay sa kinakaharap na kasong plunder at graft dahil sa maanomalyang flood control projects.

Si Marcoleta naman ay pinatawan din ng 90-day preventive suspension ng Sandiganbayan Third Division kaugnay sa plunder case bunsod ng pagtanggap ng ₱75 million na campaign donation.

About The Author