![]()
Tiniyak ni Senate President Sherwin Gatchalian na walang magiging lump-sum allocations sa 2027 national budget.
Ito ay bilang pagtalima sa ruling ng Korte Suprema na nagdeklara sa ilang probisyon ng 2024 at 2025 national budgets bilang unconstitutional.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na alinsunod sa ruling ng Korte Suprema, hindi maaaring lumagpas ang budget sa inihain ng Office of the President.
Sinabi ni Gatchalian na para sa 2027, titiyakin nilang walang lump-sum funds dahil ito ang isa sa mga deklaradong unconstitutional.
Tinukoy ng Senate leader ang Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Programs o SAGIP na ipinasok sa 2024 at 2025 budgets, kung saan nagmula ang mga pondo para sa mga kontrobersyal na flood control projects.
Sinabi ni Gatchalian na inalis na nila noong 2026 budget ang SAGIP at hindi rin ito makikita sa 2027 allocation.
