![]()
Dalawampu pang distressed Filipinos ang nairepatriate mula sa Cambodia, kabilang na ang mga biktima ng illegal recruitment.
Ayon sa Philippine Embassy sa Phnom Penh, naisakatuparan ang repatriation noong Miyerkules sa pakikipagtulungan ng Migrant Workers Office sa Cambodia.
Kasabay nito, muling nananawagan ang embahada sa mga Pinoy na mag-ingat sa pagtanggap ng mga overseas job offers, partikular mula sa mga unauthorized recruiters.
Pinaaalalahanan din ang mga job seeker na magsagawa muna ng beripikasyon sa legitimacy ng employDment opportunities at sumunod sa labor at immigration laws.
