![]()
Pinaalalahanan ng Philippine Embassy sa Rome ang mga Pinoy sa Italy na magdoble-ingat sa gitna ng mga demonstrasyon at public disturbances na inaasahan bukas, October 24.
Partikular na tinukoy sa advisory ng embahada ang mga inaasahang kilos protesta sa Rome, Milan, Florence, Turin, Bologna, Padua, Bari at Genoa.
Pinapayuhan ang mga Pinoy na iwasan ang mga protest sites, malalaking pagtitipon at mga lugar kung saan nagaganap ang mga komprontasyon.
Hinikayat din ang mga Pinoy na huwag na huwag makikiisa sa mga protest activities.
