![]()
Bahagyang lumawak ang budget deficit ng National Government noong Setyembre, sa kabila ng double-digit na paglago ng revenue na mas mataas sa government spending.
Ayon sa Bureau of Treasury, tumaas ng 0.33% o sa ₱248.9 billion ang fiscal gap noong nakaraang buwan mula sa ₱248.1 billion na naitala noong September 2025.
Mas mataas din ito ng 54.35% mula sa ₱161.3 billion na shortfall na nai-record noong Agosto.
Umakyat ang total revenue collections ng 12.95% o sa ₱318.2 billion noong Setyembre mula sa ₱281.7 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
