dzme1530.ph

HANGGANG APAT NA BAGYO, POSIBLENG PUMASOK SA BANSA HANGGANG SA KATAPUSAN NG 2026

Loading

Hanggang apat pang bagyo ang inaasahang papasok o mabubuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Nobyembre at Disyembre.
 
Ayon sa PAGASA, isa o dalawang bagyo ang inaasahan sa Nobyembre, gayundin sa Disyembre.
 
Sa pagitan naman ng Enero hanggang Abril sa susunod na taon, dalawang bagyo ang posibleng pumasok sa bansa.
 
Sinabi ng state weather bureau na present ang strong to very strong El Niño sa tropical Pacific at inaasahang iiral hanggang sa unang quarter ng 2027, na ang peak nito ay mararamdaman bago matapos ang 2026.
 
Gayunman, ang mga dulot nitong epekto ay patuloy na mararanasan hanggang sa unang kalahati ng susunod na taon.

About The Author