dzme1530.ph

PANGUNGUTYA NG ILANG CONTENT CREATORS SA MGA TAONG NASA AUTISM SPECTRUM, KINONDENA NI SEN. VILLANUEVA

Loading

KINONDENA ni Senador Joel Villanueva ang pangungutya ng ilang content creator sa mga taong nasa autism spectrum.
 
Iginiit ni Villanueva na walang lugar sa lipunan at sa digital space ang ganitong uri ng pag-uugali.
 
Bilang isang magulang, sinabi ni Villanueva na napakasakit marinig ang pang-iinsulto sa isang anak na may kapansanan.
 
Binigyang-diin ng senador na hindi dapat gawing katatawanan ang anumang uri ng kapansanan, kabilang ang autism.
 
Ipinaalala niyang hindi lamang ito usapin tungkol kay Joshua Aquino, kundi maging sa patuloy na pagtingin ng ilang tao sa kapansanan bilang katatawanan.
 
Naniniwala si Villanueva na may pananagutan ang mga content creator at podcaster dahil malaki ang kanilang impluwensiya sa publiko.
 
Kasabay nito, hinimok ng senador ang production company at network na maglatag ng malinaw na pamantayan sa inilalabas nilang content, at hindi lamang magbura ng episode kapag may kontrobersiya na.
 
Nanawagan din ang senador sa mga digital platform na kumilos laban sa mga content na nanghahamak sa mga taong may kapansanan.
 
Dapat anyang maging ligtas at inklusibo ang digital environment para sa lahat, lalo na sa mga taong madalas na nagiging target ng pang-aalipusta.

About The Author