dzme1530.ph

ALEGASYON NG MALETA BOYS, HINDI NA DAPAT PATULAN PA

Loading

“Lumang istorya na.”
 
Ganito inilarawan ni Senate President Pro Tempore Vicente Tito Sotto III ang alegasyon ng isa sa mga Maleta Boys na nakatanggap din siya ng maleta ng pera sa flood control scam.
 
Sinabi ni Sotto na hindi na dapat patulan ang naturang alegasyon.
 
Sa pagharap sa Sandiganbayan Third Division, sinabi ng isa sa tinaguriang Maleta Boys na nag-deliver siya ng mga maleta ng pera kina Sotto, dating Congresswoman Stella Quimbo at dating senador Antonio Trillanes IV.
 
Matatandaang nauna nang itinanggi ni Sotto ang alegasyon kasabay ng pagbibigay-diin na hindi siya senador nang binalangkas ang 2025 National Budget kung saan pumutok ang flood control scam.

About The Author