dzme1530.ph

NBI, IIMBESTIGAHAN AT MAGHAHAIN NG KAUKULANG KASO LABAN SA MGA HOST NG “MACHONG CHISMISAN”

Loading

Iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga host ng “Machong Chismisan” kasunod ng ngayon ay deleted nang episode ng podcast, matapos alipustain ang anak ni Kris Aquino na si Josh at ang kapansanan nito.

Sa segment na “Today’s Talk” ng “Fast Talk with Boy Abunda,” ibinahagi ng host ang text message na natanggap nito mula kay NBI Director Melvin Matibag.

Ayon kay Matibag, labis siyang nalungkot sa report ni Abunda tungkol sa isyu.

Aniya, aatasan niya ang NBI Cybercrime Division at ang Special Action Unit na imbestigahan ang mga host at sampahan ng kaukulang kaso ang mga umalipusta kay Josh, alinsunod sa batas.

Idinagdag ni Matibag na bilang pinuno ng law enforcement bureau, hindi siya maaaring magbulag-bulagan sa pangyayari.

Aniya, mayroon siyang legal at moral duty na itaguyod ang katarungan para kay Josh, sa pamilya nito, at sa lahat ng persons with special needs na karapat-dapat sa paggalang, dignidad, at malasakit.

About The Author