![]()
Kinumpirma ng Philippine Tennis Association (PHILTA) na hindi maglalaro si Filipina tennis sensation Alex Eala sa WTA 125 Philippine Women’s Open na gaganapin sa Enero sa susunod na taon.
Inihayag ni PHILTA Executive Director Tonette Mendoza na batay sa rules ay hindi pinapayagan ang higher-ranked players na maglaro sa WTA 125 events.
Masasabay din kasi ang Philippine Women’s Open sa second week ng Australian Open.
Mabibigyan naman ng isa pang pagkakataon ang Filipino fans na mapanood si Eala sa hardcourt sa sariling bansa, sa WTA 250 tournament na itinakda sa November 2027.
