![]()
Nasa 29 families na binubuo ng 107 individuals ang inilikas sa Agoncillo, Batangas kasunod ng minor phreatomagmatic eruption ng Taal Volcano, nitong Huwebes ng gabi.
Batay sa report ng Philippine Coast Guard, nananatili ang mga evacuees sa Socio-Civic Center sa Barangay Pansipit.
Nagmula ang mga ito sa Barangays Bilibinwang at Banyaga na pinakaapektado ng volcanic ashfall.
Sa ulat ng PHIVOLCS, tumagal ng limang minuto ang pagsabog.
Nagbabala rin ang PHIVOLCS na apektado rin ng ashfall ang southwestern lakeshore towns ng Agoncillo, Lemery, San Nicolas at Taal sa Batangas, gayundin ang mga kalapit na lugar.
Sa nakalipas na bente kuwatro oras, nakapagtala ang PHIVOLCS ng limang volcanic earthquakes at isang volcanic tremor na tumagal ng 38 minutes.