![]()
Posibleng tumagal hanggang February 2027 ang nararanasang Super El Niño.
Ito ang inihayag ng World Meteorological Organization na nagsabing iigting pa ang tagtuyot bago maranasan ang peak nito sa December.
Nagbabala si UN spokesperson Stephane Dujarric na maapektuhan nito ang ekonomiya, ecosystems at mga komunidad sa buong mundo.
Una nang nagbabala ang mga researchers mula sa University of Chicago’s Climate Impact Lab na maaaring magresulta ang Super El Niño sa 451,000 excess deaths sa buong mundo mula June 2026 hanggang February 2027.
