dzme1530.ph

SAMPU KATAO, SUGATAN SA AMBUSH SA BASILAN

Loading

Siyam na Army personnel at isang civilian auxiliary ang nasugatan matapos tambangan ng mga hindi nakilalang salarin ang kanilang convoy sa Tipo-Tipo, Basilan.

Ayon sa 11th Infantry Division (11ID), 7:45 kaninang umaga nang mangyari ang pananambang sa mga tauhan ng kanilang 45th Infantry Battalion na bumiyahe mula Tipo-Tipo patungong Lamitan City.

Nasa Sitio Bauno Dagao sa Barangay Badja ang convoy nang pagbabarilin sila ng mga suspek.

Kabilang sa mga nasugatan ang dalawang sundalo na nagtamo ng tama ng bala sa ulo habang ang iba pa ay tinamaan sa ibang bahagi ng katawan, at mayroon ding nasugatan dahil sa shrapnel.

About The Author