![]()
Bumaba ng 4% ang infrastructure spending noong Hulyo, dahil sa mas mabagal na paglabas ng pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa latest report ng DPWH, bumaba sa ₱89.6 billion ang infrastructure at iba pang capital outlays noong July mula sa ₱93.3 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mas mababa rin ito ng 8.6% mula sa ₱98 billion noong Hunyo.
Sinabi ng Budget Department na ang infrastructure spending noong Hulyo ay sinuportahan ng capital outlay projects sa ilalim ng Revised AFP Modernization Program, capital outlay component ng Philippine Rural Development Project, at payments para sa iba’t ibang rail transport projects.
