dzme1530.ph

GOBYERNO NG YEMEN, NAGDEKLARA NG ALL-OUT WAR PARA BAWIIN ANG TERITORYO MULA SA HOUTHIS

Loading

Inanunsyo ng pinuno ng internationally recognised government ng Yemen na maglulunsad sila ng all-out war upang bawiin ang lahat ng teritoryong hawak ng Houthis.

Kasunod ito ng palitan ng mga pag-atake sa pagitan ng Houthis at ng koalisyon na pinangungunahan ng Saudi nitong mga nakalipas na araw.

Una nang inamin ng Houthis, na suportado ng Iran, na inatake nila ang sites na pag-aari ng Saudi national oil company na Aramco, bilang ganti sa inilarawan nila bilang 50 Saudi-led coalition strikes sa loob ng 12 hours.

Ang matapang na deklarasyon ng Yemeni government ay inaasahang matapos ang opensiba ng Houthis noong nakaraang buwan.

About The Author